Mainam Nang Wala Ka
Monday, February 5th, 2007mainam na ngang hindi na tayo nagkita…
o nagkausap… o nagkabatian…
mainam na ang ganito na walang pansinan…
walang ha ni ho…
walang hello… walang babay…
mainam nang nagkaintindihan na lang na ganun…
walang away… walang sikmatan…
walang hindi pagkakaintindihan…
mainam nang wala na lang contact…
yun naman ang nararapat…
datapwat nakaririmarim isipin…
mainam nang wala na lang tayong magawa…
ganun siguro talaga ang buhay…
kung hindi ukol… hindi mabubukol…
kaya mainan na ngang hindi na tayo nagkita…
o nagkausap… o nagkabatian…
dahil kung hindi, baka hindi ko naiwasang mawindang na naman.